Halina’t ipakita ang pasasalamat at pagmamahal kina Ma’am at Sir! Makiisa sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 para sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month.
May temang “Together4Teachers,” sama-sama nating ipagdiwang ang husay at kadakilaan ng mga Pilipinong guro na katuwang ng Kagawaran sa pagtupad ng isang bansang makabata at mga batang makabansa.

Abangan ang mga inihandang aktibidad ng Kagawaran at ng ating mga partner para sa mga guro dito sa DepEd Philippines Facebook Page.