Menu

LUNGSOD NG PASIG, 7 Agosto 2024 โ€“ Upang masiguro ang epektibo at mahusay na pagbibigay ng basic education services sa la hat ng antas ng pamamahala, iniutos ni Kalihim ng Edukasyon Sonny Angara na punan ang lahat ng bakanteng posisyon sa mga opisina ng DepEd .

Sa DepEd Memorandum No. 42, s. 2024, iniutos sa DepEd Bureau and Service Directors sa Central Office, Regional Directors (RDs), at Schools Division Superintendents (SDSs) na gawin ang lahat ng paraan upang mapabilis ang hiring at pagpuno sa lahat ng bakanteng posisyon sa lahat ng awtorisadong posisyon sa DepEd, kasama na ang bagong mga teaching at school-based non-teaching positions para sa Fiscal Year (FY) 2024.

Base sa Department of Budget and Management-Government Manpower Information System (DBM-GMIS) hanggang nitong Mayo 2024, may 46,703 (4.53%) na mga bakanteng posisyon ang DepEd mula sa 1,030,897 kabuoang mga authorized position na maiuugnay sa iba’t ibang dahilan ayon sa nakalap na ulat.

Nagbibigay ng hamon sa opersyon ng mga opisina at sa absorptive capacity ng Kagawaran ang natukoy na mga natitirang bakanteng posisyon bit .ly/UnfilledCatchUpPlan . Kinakailangang maipasa ang buong catch-up plan sa Bureau of Human Resource and Organizational Development-Personnel Division (BHROD-PD) gamit ang link na :ย  bit.ly/HiringCatchUpPlan ย sa o bago ang ika-9 ng Agosto, 2024.

Bukod dito, iniuutos din sa lahat ng opisina ng DepEd na palaging i-update ang Personal Services Services Itemization and Plantilla of Personnel at ang DBM-GMIS database. Kailangan ding i-update ang iba pang monitoring tools tulad ng Program Management Information System, Quick Count para sa FY 2024 items, at ang Deployment Monitoring Tool for school-based non-teaching items.

#MATATAG
#DepEdPhilippines

Source: DepEdPhilippines FB Page